Nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, kaugnay sa napabalitang pagdami ng bilang ng Chinese students sa Cagayan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Col. Francel Padilla na lahat ng ulat na posibleng magkaapekto sa national security ng Pilipinas ay sini-seryoso ng kanilang hanay.
Ito aniya ang dahilan kung bakit mahigpit na ang ginagawa nilang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) na nangunguna rin sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Nakikipagtulungan na rin aniya sila sa Bureau of Immigration, CHED, at sa Department of Foreign Affairs (DFA), upang masiguro na mayroong angkop na dokumento ang mga ito.
“We take all of these things seriously. So, we are conducting our internal investigation on the veracity of these reports, ano ba talaga iyong pakay nila towards this influx of these numbers. Marami din kasing factors involved. Sinasabi ng local politicians natin, it could be helping them in terms of tourism and also the economic side of things because we also have educational tourism. So, iyong mga ganoon, we are looking at all these angles.” —Padilla.| ulat ni Racquel Bayan