Nakikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para imbestigahan ang ulat ng umano’y ginagawang pag-recruit ng mga pinaghihinalaang Chinese company sa mga sundalong Pilipino.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kasalukuyan nilang inaalam kung mayroong mga dati at aktibong tauhan ng AFP na na-recruit ang mga ito.
Ayon kay Col. Padilla, ang social media page kung saan inanunsyo ang trabaho para sa mga may karanasan sa militar ay tinake-down na, ngunit may nakuha silang screenshots ng mga sumubok na mag-apply dito online.
Maaalalang, nauna nang inilahad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nangangalap umano ang hinihinalang Chinese companies na nagpapanggap na American o European enterprises, ng aktibo at mga dating miyembro ng Philippine military.
Inaalok umano ng mga kumpanya ang kanilang mga recruit ng part-time na trabaho bilang online analysts. | ulat ni Leo Sarne