Sanay na ang Armed Forces of the Philippines sa presensya ng Chinese Maritime Militia sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Balikatan Exercise Director Maj. General Marvin Licudine matapos iulat ni US Maritime Security Expert Ray Powell na mayroong dalawang barko ng Chinese maritime militia sa layong 30 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan isang araw bago ang Balikatan Maritime Exercise.
Bagama’t hindi kinumpirma ni Licudine ang naturang ulat, sinabi ng opisyal na hindi na bago para sa kanila ang mga aktibidad ng Chinese Maritime Militia.
Tiniyak naman ni Licudine na hindi magpapatinag ang mga kalahok sa Balikatan exercise sa anumang posibleng hamon.
Giit pa ni Licudine na naayon sa international law ang lahat ng aktibidad sa Balikatan, na isasagawa sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne