Itinutulak ni Senador Jinggoy Estrada ang isang panukalang batas na layong i-upgrade ang mga serbisyo at pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH).
Inihain ni Estrada ang Senate Bill 2634 para tiyakin ang pagbibigay na mananatiling mataas ang kalidad ng serbisyong medikal na ibinibigay ng PGH bilang pinakamalaki ng pampublikong ospital sa bansa at tanging national referral center para sa tertiary cases.
Pinunto ng senador na ang mga nangyaring sunog sa PGH kamakailan ay nagpakita ng kalunos-lunos na kalagayan ng PGH.
Sa illalim ng naturang panukala, layong dagdagan ng kasalukuyang 1,500 bed capacity ng PGH at gawin itong 2,000 beds para mas maraming pasyente ang mapaglingkuran.
Pinapanukala rin ng mambabatas ang dagdag na mga doktor, nurse at iba pang support personnel para matugunan ang pangangailangan ng mas madaming mga pasyente.
Batay sa datos, nasa mas higit 600,000 ang pasyenteng tinatanggap ng PGH kada taon.
Nakapaloob rin sa panukala ang pagtukoy ng kinakailangang pondo sa taunang national budget para maipatupad ang mga pinapanukalang hakbang.
Inaatasan din ang direktor ng PGH na makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) para sa mga bagong posisyon kaugnay sa pagkuha ng karagdagang hospital staff.| ulat ni Nimfa Asuncion