US Congressional Staff, bumisita sa AFP kasabay ng pag-arangkada ng BALIKATAN Exercise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa maigting na suporta nito sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang tinuran ni AFP Vice Chief of Staff, Major General Ferdinand Barandon kasunod ng pagbisita ng mga delegado ng US Congressional Staff kasabay ng pagbubukas ng BALIKATAN Exercise kahapon.

Dito, binigyang-diin ni Barandon na sa pamamagitan ng suporta ng Amerika ay makapagpapalakas sa socioeconomic at defense development ng dalawang bansa.

Ipinaliwanag din ni Barandon sa mga miyembro ng US Congressional Staff ang nagpapatuloy na AFP Modernization kasama ang mga ginagawang inisyatiba gaya ng joint training, information-sharing, at capacity-building.

Dahil dito, kumpiyansa ang AFP na lalo pang lalalim ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika dahil sa regular na diyalogo gayundin ang pagpapatatag sa Indo-Pacific region. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us