Nagpahayag kapwa ang Estados Unidos at Japan ng suporta para sa Pilipinas partikular sa ekonomiya nito.
Ang pagpapahayag ng suporta sa Pilipinas ay ginawa sa inilabas na joint statement kung saan inanunsyo rin ang pagkakaroon ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.
Bukod pa dito ang isang bilyong dolyar na private sector investment na susuporta sa ‘innovation economy’ ng bansa gayundin sa ipinupursiging ‘clean energy transition’.
Inaasahang ang ikakasang Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas ay magpapatatag din sa ‘supply chain resilience’ at magpapalakas sa commitment ng US para matipon ang private sector investment sa Pilipinas.
Kasama din sa joint vision statement ang pagpapahayag ng tuloy-tuloy na suporta sa progreso ng Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity para sa sustainability, paglago ng ekonomiya at competitiveness. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO