VP Sara Duterte, bumisita sa burol ng Grade 8 student na binaril sa Agoncillo, Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na dumalaw at nagpaabot ng pakikiramay si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pamilya ng mag-aaral na si Jenny Balacuit sa Cuenca, Batangas.

Si Jenny ay 13 taong gulang na grade 8 student sa Agoncillo, Batangas.

Papasok sana siya ng paaralan kasama ang kaniyang kapatid at ilang kaanak nang barilin nang malapitan sa batok ng suspek noong nakaraang linggo.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni VP Duterte na mariin niyang kinokondena ang pamamaslang sa bata sa labas lang ng kaniyang paaralan.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, tutukan niya ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen.

Binigyang diin din ni VP Duterte ang kahalagahan ng edukasyon at kapayapaan. Aniya, hindi dapat suportahan ang mga taong nagdudulot ng gulo sa ating mga komunidad tulad ng kriminalidad, droga, at terorismo.

Umaasa naman si VP Duterte na hindi na mauulit pa ang ganitong mga pangyayari sa ating mga kabataan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us