VP Sara Duterte, nanawagan na patuloy na isabuhay ang mga aral ng Quran kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Ftr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga kapatid na Muslim ngayong ginugunita ang Eid’l Ftr o Festival of Breaking the Fast.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangalawang Pangulo na nakikiisa siya sa mapayapang pagdaos ng isang buwang pag-aayuno at pagdadasal.

Inspirasyon din aniya ang dedikasyon at pananampalataya ng ating mga kapatid na Muslim.

Ayon kay VP Duterte, ang pagtatapos ng Ramadan ay paalala sa atin na maging mapagkumbaba, mapagpatawad, at palalimin pa ang pananampalataya.

Nanawagan din ang Pangalawang Pangulo, na isabuhay ang mga aral ng Qur’an at ni Propeta Muhammad at itaguyod ang kabutihan sa ating kapwa.

Binigyang diin ni VP Duterte na sa kabila ng pagkakaiba, ang pagkakaisa, paggalang, at pagmamahal sa ating bansa ang pinakamahalaga. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us