Walang epekto sa relasyon nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang sentimyento ni First Lady Liza Araneta -Marcos sa Bise Presidente.
“It will not affect our working relationship with the Vice President, Secretary of Education. I think that she also understands, how the First Lady feels, when you have to sit there and listen to these attacks that are being made against your husband.” — Pangulong Marcos.
Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng interview ng Unang Ginang, kung saan isiniwalat nito na na-offend siya sa ginawang pagtawa ng Bise Presidente, habang mayroong mga hindi magagandang salita ang ibinabato kay Pangulong Marcos.
“First of all, my first reaction is what a lucky husband I am that I have a wife na very protective sa akin na, kahit na, may nakitang hindi magandang sinabi tungkol sa akin, she gets very upset. We cannot blame her.” — Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, bilang isang may-bahay, batid ng bise presidente na protective lamang ang Unang Ginang.
Batid rin aniya ni VP Sara, na hindi tulad nila ni Pangulong Marcos na manhid na sa mga insulto, ang Unang Ginang, hindi pa sanay sa pulitika.
“I don’t think we need to patch anything up. She understands, as a wife herself, the sentiments of the First Lady. Our conversation will be precisely that. I’m sure you’ll understand how she feels. Ang First Lady, hindi sanay sa pulitika ‘yan. Kami, manhid na kami diyan, sa insulto. Siya, hindi siya galing sa political family, kaya siguro she still has to learn, magpalagpas nang kaunti ng ibang masasakit at maaanghang na salita.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, mag-uusap sila ni VP Sara kaugnay nito, kasabay ng pagsisiguro na mananatili sa kaniyang gabinete ang bise presidente.
“Any of the cabinet secretaries will be replaced kapag hindi nila ginagawa yung trabaho nila. All the other things are not part of the discussion. Kapag hindi na kaya, nagkasakit, sabihin mo lang, papalitan ka namin. Kapag hindi talaga marunong o korap, tatanggalin ka talaga namin. Hindi naman ganoon si Inday.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan