Wellness check sa vulnerable sector lalo na ang mga nakatira sa barong-barong, ipinanawagan ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng wellness check sa mga vulnerable sector sa gitna ng matinding init ng panahon.

Mungkahi ng mambabatas, magbabahay-bahay ang mga barangay health worker, tanod, at social welfare officers ng munisipyo sa lugar ng mga mahihirap.

Punto niya, pinaka kawawa ngayong panahon ng tag-init ang mga nakatira sa barong-barong at walang kisame ang bahay.

Pinasisiguro din ng kinatawan, na mayroon silang maiinom at magsagawa ng fire safety check sa mga kabahayang gawa sa light materials tulad ng kahoy.

Maliban dito dapat ay mabantayan din aniya ang sitwasyon ng mga sanggol lalo na kapag pumalo sa 33 hanggang 41 degrees ang heat index.

“Para sa kapakanan ng mga buntis, sanggol, bata,  seniors, at PWDs nakikiusap tayo sa mga Mayor na maging pro-active sa kanilang aksyon sa nakakapasong init ng panahon. Nakamamatay na kasi ang matinding init sa mga vulnerable sectors.” ani Ordanes | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us