Kailangang kumilos ng buong pamahalaan para maimbestigahan ang isyu ng pagdami ng mga estudyanteng Tsino sa Cagayan.
Sinabi ni Senate Committee on Public Order Chairman Sebasor Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi lang ang Bureau of Immigration ang dapat umakto sa isyu at kailangan ng whole of government approach para dito.
Ito lalo na aniya’t may nauna na ring isyu tungkol sa pagkakaroon ng Philippine passport at birth certificate ng ikang Chinese nationals na nakakapasok dito sa bansa at nagtratrabaho sa mga POGO.
Agad ring pinapasilip ni Dela Rosa sa mga otoridad kung bakit sa Cagayan napili ng mga Chinese na ito na bumili ng mga diploma.
Giniit ng senador na nakakapagduda ito dahil ang Cagayan ay isa sa mga bagong EDCA sites ng Pilipinas at Estados Unidos.
Iginiit ng mambabatas na dapat habang maaga ay malaman kung may iba pang motibo ang presensya ng mga Chinese sa naturang probinsya.
Hindi rin isinasantabi ng senador ang pagdududa ng ilan na posibleng nag eespiya ang mga Chinese sa bansa lalo’t may basehan na ito sa kasaysayan ng ating bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion