Tiniyak ng World Bank ang suporta nito sa isinusulong na digitalization program upang i-develop ang pagangasiwa ng buwis ng bansa.
Sa high level meeting nina Finance Secretary Ralph Recto at World Bank Regional Vice President for East Asia and the Pacific Manuela Ferro, nakuha ng kalihim ang suporta ng multilateral agency sa digitalization efforts ng bansa.
Ayon kay Ferro, bumuo na sila ng team na siyang tutulong sa Department of Finance upang magkaloob ng digital solutions sa iba’t ibang digital programs nito partikular sa fiscal areas.
Nais din ng WB na i-expand ang digital service solutions sa iba pang sektor gaya ng sa edukasyon at kalusugan.
Partikular na hiningi ng Kalihim ang digital support upang paghusayin ang pangongolekta ng buwis sa bansa upang itaas ang revenue collection na siyang susuporta sa mga programa ng pamahalaan.
Ang pulong ay ginanap sa sidelines ng WB-IMF Spring Meetings sa Washington, D.C. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: Department of Finance