Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Visayas grid kaninang ala-1:00 ng hapon.
Kasunod ito ng pagtaas ng kapasidad na ibinahagi ng Mindanao sa Visayas sa pagkakaroon ng STEAG 1 (100MW) at pagtaas sa kapasidad ng GNPK Unit 4 (138MW).
Itinaas ang yellow alert sa Visayas grid mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi at alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ito ay dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente sa Visayas grid.
Ipinatutupad ang yellow alert status kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang mga kinakailangan sa contingency ng transmission grid. | ulat ni Rey Ferrer