Tama lang ang hakbang ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumindig laban sa patuloy na pambu-bully ng China.
Ito ang saad ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara nang mahingan ang reaksyon kaugnay sa pahayag ni Sen. Robinhood Padilla na masyadong ‘matapang’ ang aksyon ng Presidente para tugunan ang isyu sa West Philippine Sea.
Partikular dito ang maritime cooperation kasama ang US, Australia at Japan at ang katatapos lang na trilateral summit.
Para kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo ang pakikipag-ugnayan ng Pangulo sa ibang mga bansa ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng kaniyang foreign policy at diplomacy.
Kaya naman ang mga kaalyado nating bansa gaya ng US ay nagpapakita ng suporta.
“I think what’s happening now or what happened is the output or product of his effectiveness in foreign policy and diplomacy with our friends and allies. So, it’s only natural that when you have a very progressive leader such as President Bongbong Marcos, our allies will come to our aid. And I think what happened in the West Philippine Sea, the joint exercise with the Philippine government, the United States of America, and Japan is just a show of solidarity,” ani Dimaporo.
Sabi naman ni PBA party-list Rep. Migs Nograles, natural lang na ipaglalaban ng Pangulo ang Pilipinas dahil mahal at pinahahalagahan niya ito.
“Kung may mahal kang bagay, mahal natin ang Pilipinas, mahal ng Presidente ang Pilipinas, you have to protect what you love and what you own at kung may nangbu-bully sayo sabi nga ng colleagues natin hindi ba, may mang-aagaw, syempre lalo na mga babae dito, alam niyong lalabas yung katapangan niyo hindi ba? But you fight for what is yours and that is what the President is doing,” saad ni Nograles
Ganito rin ang posisyon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
Aniya, ang tamang tugon sa mahabang panahon ng pambu-bully ng China sa atin ay ang hindi pagtiklop, bagkus ay pagtindig.
Sabi pa niya na bilang mga Pilipino hindi tayo aaaring magkaroon ng defeatist attitude sa naturang usapin.
“We’ve seen for the past several years the bullying tactic of China in terms of asserting their rights over our, within the exclusive economic zone of the Philippines. So ang pagbu-bully po niyan, the answer to that, pag kayo ay binu-bully hindi po pagtiklop, pagtindig. I think the President also exert that being the Commander in Chief and as well as the foreign architect of our country, he has asserted that right. And we have to support that,” giit ni Adiong.
Dagdag naman ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na tinitindigan lang ng Pangulo ang katotohanan na atin ang West Philippine Sea.
At ang ipinapakitang suporta dito ng ibang bansa ay international community ay nagpapalakas lang sa posisyon sa WPS.
Ayon naman kay Davao Oriental Rep. Cheeno Almario dapat ay alalahanin na kaya ganito ang tugon ng Pangulo sa isyu ay dahil sa pangangailangan na protektahan ang ating bansa.| ulat ni Kathleen Forbes