Youthpreneur Program ng DepEd at Go Negosyo, inaasahang magpapaunlad sa entrepreneurial skills ng mga kabataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Department of Education (DepEd) na mapaunland ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo.

Ito ang inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isinagawang Youthpreneur sa Rizal High School sa Pasig City.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni VP Duterte na hangad ng DepEd, sa tulong ng Youthpreneur ng Go Negosyo ay may buhay ng pamilya ang magbago at matulungan dahil sa naturang programa.

Binigyang diin ng Pangalawang Pangulo ang kahalagahan ng pagiging bukas ng mga kabataan sa pagnenegosyo at financial literacy para sa kanilang kinabukasan.

Ayon sa DepEd, ang Youthpreneur ay idinisenyo upang itaguyod ang entrepreneurial mindset lalo na sa mga kabataan, at bumuo ng mga kasanayan na akma sa curriculum ng Senior High School.

Dumalo din sa aktibidad si Go Negosyo Founding Chairperson Joey Concepcion na hinimok ang mga kabataan na samantalahin ang mentorship opportunities ng DepEd, na maaaring makatulong kung gugustuhin ng mga mag-aaral na magkaroon ng kanilang sariling negosyo sa hinaharap. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us