Pinaigting na pagpapatrolya ng AFP at Coast Guard sa Silangang bahagi ng bansa, ipinanawagan ng isang mambabatas

Nais ngayon ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na paigtingin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa Karagatang Pasipiko. Kasabay ito ng pagkondena sa presensya ng mga barko ng China sa silangang bahagi ng Pilipinas sa may bandang Catanduanes. Sa isang privilege speech sinabi ni… Continue reading Pinaigting na pagpapatrolya ng AFP at Coast Guard sa Silangang bahagi ng bansa, ipinanawagan ng isang mambabatas

Philippine Red Cross, nagpaalala sa publiko na mag-doble ingat ngayong tag-init

Nagpapaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-doble ingat ngayong matindi ang init ng panahon. Ayon sa PRC, kung mangangailangan ng medikal na tulong ay maaaring tumawag sa PRC Hotline 143 para sa kanilang ambulance service. Kaugnay nito muling nagpaalala ang PRC sa mga dapat gawin o first aid laban sa heat stroke.… Continue reading Philippine Red Cross, nagpaalala sa publiko na mag-doble ingat ngayong tag-init

Mga makararanas ng heat stroke o heat exhaustion, maaaring makapag-avail ng benepisyo sa PhilHealth

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaaring makapag-avail ng benefit package ang mga miyembro na makararanas ng heat stroke o heat exhaustion dahil sa mainit na panahon. Ayon kay PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma, magkakaloob ng benefit package na nagakahalaga ng P8,450 para sa mga miyembro at dependents nito sakaling maospital dahil sa nasabing… Continue reading Mga makararanas ng heat stroke o heat exhaustion, maaaring makapag-avail ng benepisyo sa PhilHealth

153 diplomatic protest, naihain na ng DFA vs China dahil sa pambu-bully nito sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

Inaasahang madadagdagan pa ang diplomatic protest na ihahain ng Pilipinas laban sa China dahil sa pangha-harass ng mga ito sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ngayon kasi ay nasa 153 ang kabuuang bilang ng diplomatic protest na kanilang inihain laban sa Beijing. Kasama na rito… Continue reading 153 diplomatic protest, naihain na ng DFA vs China dahil sa pambu-bully nito sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

Sinasabing kasunduan ng China at ilang opisyal ng pamahalaan, pinasinungalingan ng DFA

Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sinasabi ng Embahada ng Tsina na new model arrangement patungkol sa Ayungin Shoal.  Dahil dito ay muling binigyang diin ng DFA ang solidong posisyon nito na walang pinapasok na anumang kasudnuan ang Pilipinas na nag aabandona sa sovereign rights at jurisdiction nito sa exclusive economic zone at… Continue reading Sinasabing kasunduan ng China at ilang opisyal ng pamahalaan, pinasinungalingan ng DFA

Pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng magtuloy-tuloy ngayong linggo

Panibagong round ng oil price roll back ang inaasahan bukas, araw ng Martes.  Base sa forecast ng kumpanyang Unioil, posibleng magkaron ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo.  Base naman sa ilang taga industriya ng langis, maglalaro sa P0.70 hanggang P1.10 ang posibleng ibaba sa kada litro ng diesel, habang  P0.50 to P0.90 per liter… Continue reading Pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng magtuloy-tuloy ngayong linggo

Panuntunan sa operasyon ng mga cryptocurrency assets and trading, ilalabas ngayong taon ng SEC

Plano ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ilabas na ang regulatory framework sa cryptocurrency assets and trading bago matapos ang taon. Ayon kay SEC Chairperson Emilio Aquino, kanila nang nabuo ang framework at inaasahang ilalabas ang kalahati nito ngayon taon–ito ay ukol sa crypto asset guidelines. Layon nito na ma-regulate ang cryptocurrency trading sa… Continue reading Panuntunan sa operasyon ng mga cryptocurrency assets and trading, ilalabas ngayong taon ng SEC

Panukalang tutugon sa kakulangan ng mga libraries sa bansa, inaprubahan ng House Committee on Basic Edcuation.

Inaprubahan ng ng House Committee on Basic Education ang panukalang pagtatag ng congressional libraries. Sa pagdinig ng komite sa House Bill 8511, hiningan ni Negros Occidental Rep. Francisco “Kiko” Benitez ang National Library ng update sa compliance ng ahensya sa Republic Act 7743 na isinabatas noong 1994. Ayon sa mambabatas nakasaad sa RA 7743 na… Continue reading Panukalang tutugon sa kakulangan ng mga libraries sa bansa, inaprubahan ng House Committee on Basic Edcuation.

SEC, sinampahan ng kasong criminal ang Abra Mining and Industrial Corporation dahil sa hindi awtorisadong trading

Sinampahan ng kasong criminal ng Securities and Exchange and Commission (SEC) ang Abra Mining and Industrial Corporation dahil sa hindi awtorisadong at mapanlinang na trading. Kasama sa mga sinampahan ng kaso ng SEC aty ang mga director, opisyal, transfer agent at ilang stockholders na sangkot. Sa complaint affidavit na isinampa sa Department of Justice (DOJ)… Continue reading SEC, sinampahan ng kasong criminal ang Abra Mining and Industrial Corporation dahil sa hindi awtorisadong trading

Resolusyon na humihimok sa DEPED na magbalik sa lumang school calendar, pinagtibay ng Kamara

Sa pamamaigtan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Mababang Kapulungang ang House Resolution 1650 na humihimok sa DEPED na bumalik sa lumang school calendar. Batay sa resolusyong iniakda ni House Committee on Basic Education and Culture chairperson at Pasig Rep. Roman Romulo, mulaing magsisimula ang pagbubukas ng klase para sa basic education sa Hunyo… Continue reading Resolusyon na humihimok sa DEPED na magbalik sa lumang school calendar, pinagtibay ng Kamara