Hinuli ng mga kawani ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-CIDG) at ng PAGCOR security group ang 10 Chinese national at 26 na Pilipino sa isinagawang magkakahiwalay na raid sa Laguna at Parañaque City.
Sa unang operasyon sa Biñan, Laguna, nahuli ang 16 na indibidwal na sinasabing nagpapatakbo ng ilegal na online raffle sa Facebook.
Samantala, sa Parañaque naman, hinuli ang isang isang grupo na sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain, kabilang na ang scamming, human trafficking at pagkakaroon nito ng koneksyon sa nauna nang raid sa Bamban, Tarlac noong Marso.
Binigyang-diin ng mga opisyal ng PAGCOR ang pangangailangan na maprotektahan ang publiko laban sa ganitong mga ilegal na gawain, lalo na ang mga kabataan na nagiging bahagi na rin ng mga operasyon tulad nito, gayundin sa ilegal na pagsusugal online.
Ayon naman kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na ang isinagawang pag-aresto ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra sa illegal online gambiling at iba pang ipinagbabawal na mga gawain sa pamamagitan ng mas pinalakas na pakikipagtulungan sa mga ahensyang tagapatupad ng batas. | ulat ni EJ Lazaro