Bamban Mayor Alice Guo, posibleng maharap sa kasong perjury kung mapatunayang hindi ito Pilipino

Maaaring kasuhan ng perjury si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung mapapatunayang nagsisinungaling ito sa pagdedeklara sa kanyang sarili bilang isang Pilipino. Inihayag ito ni Commission on Elections chairman George Garcia sa isang panayam sa Senado ngayong araw. Pinaliwanag ni Garcia na ang mandato lang ng poll body ay hingin ang mga requirements ng mga… Continue reading Bamban Mayor Alice Guo, posibleng maharap sa kasong perjury kung mapatunayang hindi ito Pilipino

Pagbuo ni PBBM ng special body on human rights, welcome kay Sen. Villanueva

Ikinagalak ni Senate Majority leader Joel Villanueva ang pagbuo ni Ppangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng special body on human rights. Nagpasalamat si Villanueva sa pagprayoridad ni Pangulong Marcos sa pagprotekta ng human rights ng bansa. Sinabi ni Villanueva na ang karapatang pantao ang pangunahing rights ng bawat mamamayang Pilipino at dapat itong protektahan alinsunod… Continue reading Pagbuo ni PBBM ng special body on human rights, welcome kay Sen. Villanueva

Mahigit 700 indibidwal na apektado ng landslide sa Mainit, Surigao del Norte, natulungan ng PRC

Aabot sa 209 na pamilya o katumbas ng 708 na indibidwal ang apektado ng landslide nitong weekend ang hinatiran ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC). Sa ulat ng PRC, sa tulong ng kanilang Surigao del Norte chapter, umalalay ang kanilang mga volunteer sa mga biktima ng pagguho ng lupa kung saan marami sa mga… Continue reading Mahigit 700 indibidwal na apektado ng landslide sa Mainit, Surigao del Norte, natulungan ng PRC

DOTr at World Bank, tinalakay ang mga proyektong magpapabuti sa sektor ng transportasyon sa Pilipinas

Nagpulong ang Department of Transportation (DOTr) at World Bank kaugnay sa mga proyektong magpapabuti sa transportasyon at connectivity sa Pilipinas. Sa ginanap na pulong ng DOTr at International Finance Corporation ng World Bank sa Taguig City, napag-usapan ang progreso ng mga proyektong pinopondohan ng World Bank. Kabilang sa mga proyektong ito ang Cebu Bus Rapid… Continue reading DOTr at World Bank, tinalakay ang mga proyektong magpapabuti sa sektor ng transportasyon sa Pilipinas

RCEF, ipinapanukala na itaas sa P15-B at palawigin pa ng anim na taon

Kasama sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law na itinutulak ng Kamara na itaas sa P15 billion ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Pagbabahagi ni Agriculture and Food Committee Chair Mark Enverga ng bersyon ng Kamara, mula sa kasalukuyang P10 billion na RCEF ay gagawin na itong P15 billion. Palalawigin din ang… Continue reading RCEF, ipinapanukala na itaas sa P15-B at palawigin pa ng anim na taon

DMW at Data Flow Group, magtutulungan upang mapalakas ang digital services para sa OFWs

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at Data Flow Group upang mapalakas ang digital services para sa mga overseas Filipino worker (OFW). Lumagda sa Memorandum of Agreement sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Data Flow Group CEO Sunil Kumar. Layon ng pagtutulungan na gawing mas simple at madali… Continue reading DMW at Data Flow Group, magtutulungan upang mapalakas ang digital services para sa OFWs

Dating PDEA Chief Dionisio Santiago, sinabing kilalang sinungaling si dating PDEA agent Jonathan Morales

Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si dating PDEA Chief Dionisio Santiago para tumestigo tungkol sa kredibilidad ng testigo sa sinasabing ‘PDEA leaks’ na si dating PDEA agent Jonathan Morales. Si Santiago ang iprinesentang surprise witness ni Senador Jinggoy Estrada sa pagdinig ng kumite ngayong araw. Inilahad ni Santiago… Continue reading Dating PDEA Chief Dionisio Santiago, sinabing kilalang sinungaling si dating PDEA agent Jonathan Morales

Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo hinggil sa nakaambang rollback bukas

Goodnews para sa mga motorista dahil inilabas na ng mga kumpanya ng langis ang rollback sa presyo nito bukas. Simula alas-6 ng umaga ipapatupad ng kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, at Caltex ang P2 bawas sa kada litro ng gasolina habang P0.50 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro ng kerosene.… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo hinggil sa nakaambang rollback bukas

Sen. Zubiri, iginiit na hindi dapat magamit ang Senate hearings sa pamumulitika

Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi niya hahayaang magamit ang Senate hearings sa pamumulitika. Ipinaliwanag ni Zubiri na mahalaga ang mga pagdinig ng Senado sa pagbuo ng mas epektibo na mga batas para sa bayan. Dahil dito, kailangan aniyang tiyakin na magiging patas at base sa ebidensya ang mga pagdinig nila. Partikular… Continue reading Sen. Zubiri, iginiit na hindi dapat magamit ang Senate hearings sa pamumulitika

QC solon, naghain ng panukalang batas na naglalayong i-empower ang mga Filipino nurses

Naghain si Quezon City Rep. PM Vargas ng panukalang batas na magbibigay halaga sa kapakanan ng Filipino nurses. Sa ilalim ng HB 5806 o Nurses Appreciation through Raised Salaries (NARS) Act at Care for Nurses Welfare Act (HB 1978) tinalakay ang mga isyu na nakakaapekto sa nurses sa bansa na siyang nag-uudyok sa kanila na… Continue reading QC solon, naghain ng panukalang batas na naglalayong i-empower ang mga Filipino nurses