Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng labintatlong (13) Pilipinong tripulante na sakay ng bulk carrier na inatake ng mga Houthi rebel sa Yemen kahapon.
Ayon sa DMW, nagtamo ng pinsala ang barko matapos ang apat na missile attack ng mga Houthi rebel. Sa kabila nito ay ligtas ang 13 Pilipinong tripulante, kasama ang isang Ukrainian seaman.
Patuloy na binabantayan ng DMW ang kalagayan ng mga Pilipinong marino at nakikipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya upang magbigyan ng anumang tulong na maaaring kailanganin.
Matatandaang naganap ang pag-atake habang binabagtas ng barko ang baybayin ng Yemen malapit sa Hodeidah. Kahit na nagtamong pinsala ang barko, nagawa pa nitong ituloy ang biyahe patungo sa susunod na daungan.| ulat ni Diane Lear