14 na baril ni Pastor Quiboloy, naibenta na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na naibenta ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang 14 sa 19 na baril na nakarehistro sa kanya.

Ayon kay Col. Fajardo, ang nasabing mga baril ay naibenta noong Disyembre 2023, bago pa man kanselahin ng PNP ang License to Own and Posses Firearms (LTOPF) ng puganteng pastor.

Batay sa talaan na isinumite ni Marlon Okubo, ang Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ na unang nagsuko ng limang baril ni Quiboloy sa PNP, ibinenta ang 14 na baril sa tatlong indibidwal.

Anim sa naturang mga baril ang napunta sa isang Cresente Canada na ka-pangalan ng isa sa mga kapwa-akusado ni Quiboloy; tatlo sa isang babae; at lima sa isang lalaking may kaparehong apelyido.

Ayon kay Col. Fajardo, kung sakaling ang pinagbentahang si Cresente Canada ay ang parehong indibidwal na na-isyuhan ng Warrant of Arrest kaugnay ng kaso ni Quiboloy, kakanselahin din ang LTOPF at rehistro ng mga baril na pag-aari nito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us