Matapos ang ginawang dokumentasyon, nagsagawa ang Taytay – Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng clearing operations sa puno ng Acacia sa Minor Basilica of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal.
Ito ay matapos na pabagsakin ito ng malakas na hangin at ulan kahapon kung saan isang SUV at isang van ang nadamay.
Ito ay maingat na pinagpuputol at pinagpira-piraso at isa-isang itinabi.
Para maalis ang mga nadamay na sasakyan at muling madaanan ang lugar.
Ayon sa pamunuan ng simbahan, ang puno ay pinaniniwalaang noong pang 18th century batay sa ilang larawan
Bagamat ikinalulunkot ng simbahan ang pagbagsak ng itinuturing nilang natural landmark ng simbahan, ipinagpasalamat nila na walang nasaktan o nasawi sa insidente. | ulat ni Diane Lear