Umabot sa 19 na mga barangay sa Northern Mindanao ang idineklarang drug-cleared sa isinagawang Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) 10 Deliberation na ginanap sa Department of Health (DOH) Regional Office X Cagayan de Oro City noong Abril 30, 2024.
Sa ngayon nasa 1,520 barangay na ang idineklarang cleared mula sa iligal na droga mula sa 1,886 bilang ng mga drug affected na mga barangay.
Ang 19 na bagong drug-cleared barangays ay ang mga sumusunod; Brgy. Silae, Malaybalay City, Bukidnon; Brgy. West Dalurog, Kitaotao, Bukidnon; Brgy. Halapitan, San Fernando, Bukidnon; Brgy. Paitan, Quezon, Bukidnon; Brgy. Lumintao, Quezon, Bukidnon; Brgy. Sta. Cruz, Quezon, Bukidnon; Brgy. Kipaypayon, Quezon, Bukdinon; Brgy. San Isidro, Quezon, Bukidnon; Brgy. Cadulawan, Munai, Lanao del Norte; Brgy. Capucao, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Gotoan Diot, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Gala, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Litapan, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Dimaluna, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Pantaon, Ozamiz City, Misamis Occidental; Brgy. Misom, Baliangao, Misamis Occidental; Brgy. Punta Miray, Baliangao, Misamis Occidental; Brgy. Pedro Sa Baculio, El Salvador City, Misamis Oriental; at Brgy. Bayabas, Cagayan de Oro City.
Sa ngayon, nasa 346 na lamang na mga barangay ang nananatiling drug-affected na mga barangay sa buong rehiyon.
Samantala nagpaabot ng kanyang taos-pisong pasasalamat si PBGen. Ricardo G. Layug Jr., Regional Director ng PRO 10, sa lahat ng tumulong upang maabot ang tagumpay na marami ng mga barangay sa rehiyon ang idineklarang drug-free. Dagdag pa ni BGen. Layug na sa pamamagitan ng pagkakaisa nga mga ahensya ng gobyerno at ng mga mamamayan maabot natin ang Drug-Free Bagong Pilipinas. | ulat ni Cocoy Medina | RP1 CDO