Nakumpleto na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang konstruksyon ng dalawa pang malalaki at magagandang cruise ship terminal sa bansa.
Ayon kay General Manager Jay Santiago, bubuksan nila bago matapos ang taon ang Corona Cruise Terminal at ang Siargao Cruise Terminal.
Ang pagpapaganda ng naturang mga pantalan ay bahagi ng promotion na ginagawa ng PPA para sa mga dayuhang turista na nagtutungo sa bansa sakay ng mga cruise ship.
Dahil sa bagong mga pantalan na ginawa ng PPA, inaasahang aabot sa 300 libo na mga turista ang makakagamit nito.
Una ng natapos ng PPA ang konstruksyon ng cruise ship terminal sa Curimao Ilocos Norte at Salomague Port sa Ilocos Sur kung saan nagagamit na ito ng mga turista. | ulat ni Mike Rogas