2 sasakyan, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Guadalupe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Auhority (MMDA) para alisin ang mga sasakyang sangkot sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa EDSA-Guadalupe kaninang umaga.

Una rito ang pagsampa ng isang kotse sa center island ng EDSA- Guadalupe kaninang pasado alas-4 ng umaga.

Ayon sa driver ng kotse, napalakas ang kaniyang pagkabig dahil may iniwasan siyang isa pang sasakyan, dahilan ng kaniyang pagsampa sa center island.

Pasado alas-6 naman nang isang dump truck ang bumangga sa concrete barrier ng EDSA Carousel sa ilalim ng MRT-Guadalupe Station.

Kapwa nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang naturang mga aksidente subalit naalis din kalaunan ang mga sasakyang sangkot, ilang oras matapos mangyari ang mga aksidente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us