Party-list solon, nais gawing ‘viral’ ang good governance

Hinimok ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan ang pribadong sektor at gobyerno na gawing ‘viral’ ang good governance. Sa kaniyang mensahe sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng Rotary Club, binigyang-diin ng mambabatas na mahalagang hingin ng pribadong sektor ang accountability at transparency mula sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Habang ang pamahalaan… Continue reading Party-list solon, nais gawing ‘viral’ ang good governance

Presyo ng ilang agri commodities, bumaba sa unang bahagi ng Mayo

May tapyas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa, partikular sa agricultural commodities sa unang bahagi ng Mayo, base sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Kabilang sa bumaba ang presyo ay ang bigas, itlog, at pati ang galunggong. Ayon sa PSA, bumaba sa ₱56.52 ang presyo ng kada kilo ng well milled rice… Continue reading Presyo ng ilang agri commodities, bumaba sa unang bahagi ng Mayo

Presyo ng karne ng baboy sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Tumaas ng hanggang ₱10 ang presyo ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱340 hanggang ₱350 ang presyo ng kada kilo ng pigue, habang ang liempo ay pumalo na sa ₱390 hanggang ₱400 ang kada kilo. Gayundin naman ang pata na naglalaro ang presyo sa ₱290… Continue reading Presyo ng karne ng baboy sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

CDO solon, suportado ang paggawad ng panibagong prangkisa sa MERALCO

Nanawagan is Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na mabigyan ng panibagong prangkisa ang MERALCO. Ayon sa mambabatas, isa itong senyales ng katatagan ng ating ekonomiya lalo na para sa mga mamumuhunan, lokal man o dayuhan. Isa si Rodriguez sa mga naghain ng panukala para gawaran ang MERALCO ng 25 taong prangkisa. Giit niya sa… Continue reading CDO solon, suportado ang paggawad ng panibagong prangkisa sa MERALCO

Presyo ng luya, iba pang pangsahog sa Mega Q-Mart, tumaas

May paggalaw sa presyo ng ilang kadalasang isinasahog sa luto sa Mega Q-Mart sa Quezon City. Kasama sa may taas-presyo ngayon ang luya na mula sa ₱170 ang kada kilo noong nakaraang linggo, ay nasa ₱200 na ang bentahan ngayon. Tumaas rin ng ₱5 ang retail price ng kamatis na nasa ₱40 ang kada kilo… Continue reading Presyo ng luya, iba pang pangsahog sa Mega Q-Mart, tumaas

Pilipinas, maaaring magsampa ng kaso sa int’l court sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang mga ituturing nilang ‘sea trespassers’

Maaaring magsampa ng panibagong kaso ang Pilipinas sa international court kung magkukulong ang China ng mga Pilipino na papasok nang walang pahintulot sa mga pinag-aagawang lugar sa South China Sea. Ito ang iginiit ni Senate Special Committee on Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino nang matanong tungkol sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang… Continue reading Pilipinas, maaaring magsampa ng kaso sa int’l court sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang mga ituturing nilang ‘sea trespassers’

Nalalapit na rollout ng ASF vaccine, ikinalugod ng isang mambabatas

Welcome para kay Camarines Sur Representqtive LRay Villafuerte ang anunsyo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa buwan ng Hunyo o Hulyo ay maaari nang simulan ang pamamahagi ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF). Ayon sa mambabatas, ngayong mismong ang Pangulo na ang nag-anunsyo nito, ay marapat lang na siguruhin ng Food and Drug Administration… Continue reading Nalalapit na rollout ng ASF vaccine, ikinalugod ng isang mambabatas

Kampanya vs iligal na koneksyon gayundin ang pagnanakaw sa mga kable at metro ng kuryente, paiigtingin ng MERALCO

Paiigtingin pa ng Manila Electric Company (MERALCO) ang kanilang kampanya kontra sa mga iligal na koneksyon gayundin ang talamak na pagnanakaw ng mga kable at metro ng kuryente sa kanilang nasasakupan. Ito’y matapos mahuli ang dalawang lalaki kahapon sa bahagi ng Tomas Morato sa Quezon City dahil sa pagnanakaw ng metro ng kuryente kasunod ng… Continue reading Kampanya vs iligal na koneksyon gayundin ang pagnanakaw sa mga kable at metro ng kuryente, paiigtingin ng MERALCO

Mga opisyal na nagkulang sa pagkakabisto sa umano’y POGO hub sa bayan ng Bamban, Tarlac, dapat papanagutin — DND Secretary

Suportado ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang malalimang imbestigasyon laban kay Bamban Mayor Alice Guo, partikular na ang usapin ng citizenship nito at ang pagkakabisto ng POGO Hub na pagmamay-ari nito na sinalakay kamakailan. Sa isang panayam kay Teodoro sa Baguio City, sinabi nito na dapat pagpaliwanagin ang mga opisyal… Continue reading Mga opisyal na nagkulang sa pagkakabisto sa umano’y POGO hub sa bayan ng Bamban, Tarlac, dapat papanagutin — DND Secretary

Amnesty application process, tinututukan ng Third Party Monitoring Team

Screenshot

Nakipagpulong ang Third Party Monitoring Team (TPMT) ng Mindanao Peace Process sa Local Amnesty Board (LAB) ng Cotabato City para talakayin ang proseso ng aplikasyon para sa amnestiya noong Biyernes. Ayon kay TPMT Chairperson Heino Marius, ang Amnesty Declaration ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mahalagang bahagi ng Peace Agreement, kaya interesado silang malaman… Continue reading Amnesty application process, tinututukan ng Third Party Monitoring Team