DA, planong magtayo ng condemnation facility para sa smuggled agri products

Pinaplano ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng condemnation facility para sa maayos na disposal ng mga puslit na imported agricultural products. Sinabi ito ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para masigurong lahat ng mga iligal na produktong masasabat sa mga pantalan ay maididispatsa at hindi na magagamit pa sa kalokohan. Kasunod nito… Continue reading DA, planong magtayo ng condemnation facility para sa smuggled agri products

Party-list solon, iba pang AFP reservists, patuloy na umaasa sa pagsasabatas ng NSTC-ROTC Bill

Muling nanawagan ang isang mambabatas para sa tuluyang pagsasabatas ng panukala para sa pagsasailalim ng mga College student sa Citizen Service Training. Ayon kay 1-Pacman Party-list Representative Mikee Romero na isang reserve officer ng Air Force, makatutulong ang National Citizen Service Training (NSTC) and Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill upang madagdagan ang military reservist… Continue reading Party-list solon, iba pang AFP reservists, patuloy na umaasa sa pagsasabatas ng NSTC-ROTC Bill

Pagbuo ng isang drainage master plan sa NCR, iminungkahi ng MMDA bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan at La Niña

Kinakailangan ng National Capital Region (NCR) ng isang “drainage master plan” upang maibsan na ang matinding epekto ng baha dulot ng papalapit na tag-ulan at La Niña. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng kanilang mga ginagawang paghahanda hinggil dito. Ayon kay MMDA Chair, Atty. Don Artes, dapat “interconnected” o konektado… Continue reading Pagbuo ng isang drainage master plan sa NCR, iminungkahi ng MMDA bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan at La Niña

Mga tsuper ng jeepney sa Marikina City, nabitin sa dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo

Aminado ang ilang mga tsuper sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina City na tila nabitin sila sa tapyas-presyo sa diesel. Ito’y makaraang magpatupad na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis epektibo ngayong araw. Nasa ₱0.10 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina na ikaapat na… Continue reading Mga tsuper ng jeepney sa Marikina City, nabitin sa dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo

Luzon at Visayas Grid, nasa Yellow Alert muli simula mamayang hapon

Isasailalim na naman sa Yellow Alert status ang Luzon at Visayas Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang Yellow Alert status sa mga sumusunod na oras: Luzon Grid1:00PM-4:00PM7:00PM-10:00PM Visayas Grid2:00PM-4:00PM6:00PM-9:00PM Paliwanag ng NGCP, ito ay bunsod muli ng forced outage sa ilang… Continue reading Luzon at Visayas Grid, nasa Yellow Alert muli simula mamayang hapon

PBBM, tiniyak na makatatanggap sa ilalim ng kanyang termino ng benepisyo ang lahat ng agrarian reform beneficiaries

Tatapusin sa susunod na apat na taon ng administrasyong Marcos ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga agrarian reform beneficiaries. Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng tuloy- tuloy na pamamahagi ng pamahalaan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka. Napakatagal na, sabi ng Chief Executive, ang… Continue reading PBBM, tiniyak na makatatanggap sa ilalim ng kanyang termino ng benepisyo ang lahat ng agrarian reform beneficiaries

Pres. Marcos Jr, suportado ang bagong Senate leadership sa katauhan ni bagong SP Chiz Escudero

Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang bagog pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ang pagpapahayag ng suporta ay ginawa ng Pangulo sa pamamagitan ng X account nito na kung saan ay binigyang diin ng Presidente ang pagiging kuwalipikado ng Senador sa bago nitong responsibilidad. Ayon sa Pangulo,… Continue reading Pres. Marcos Jr, suportado ang bagong Senate leadership sa katauhan ni bagong SP Chiz Escudero

Malawakang Citizen Registration Program, inilunsad sa Navotas

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang malawakang NavoRehistro Citizen Registration Program. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng programa na layong bumuo ng isang komprehensibong database ng mga indibidwal at mga pamilyang nakatira, nagttrabaho o di kaya ay rehistradong bumoto sa Navotas. Ayon sa pamahalaang lungsod, layon nitong mapalawak ang access… Continue reading Malawakang Citizen Registration Program, inilunsad sa Navotas

Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas sa Kadiwa store sa Caloocan, patuloy na tinatangkilik

Malaking bagay para sa mga mamimili sa Kadiwa store sa Llano Road sa Caloocan ang pagpapatuloy ng bentahan ng ₱29 kada kilo ng bigas. Kasunod ito ng pagdating ng mga bagong stock ng bigas kahapon na aabot sa 125 sako o katumbas ng higit 3,000 kilo. Limitado pa rin sa limang kilo ang pwedeng bilhin… Continue reading Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas sa Kadiwa store sa Caloocan, patuloy na tinatangkilik

₱224-M halaga ng food packs, naipamahagi na ng DSWD sa pamilya ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño

Umabot na sa ₱224-million ang kabuuang halaga ng family food packs (FFPs) na naipahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang apektado ng El Niño sa buong bansa. Ayon sa DSWD, may katumbas na itong 327,406 na family food packs na may lamang anim na kilo ng… Continue reading ₱224-M halaga ng food packs, naipamahagi na ng DSWD sa pamilya ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño