Tinatayang nasa 21,000 ektarya ng pananim sa Calabarzon, Bicol, at Eastern Visayas ang napinsala ng bagyong Aghon. Karamihan sa mga ito ay palayan.
Sa panayam kay Agriculture Assistant Secretary for field operations U-Nichols Manalo, sinabi niyang patuloy pa ang validation ng mga field office ng Department Agriculture (DA) kaya inaasahang tataas pa ang bilang ng mga napinsalang pananim.
Tiniyak naman ni Asec. Manalo na may nakahandang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan, tulad ng mga binhi at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
Kumpiyansa rin ang opisyal na hindi magkakaroon ng malaking epekto sa suplay ng bigas ang mga pinsala dahil nakapag-ani na ng palay ang maraming lugar sa bansa.
Dagdag pa ni Manalo, maagang naitabi ang mga kagamitan sa pagsasaka sa mga storage facilities upang matiyak na may sapat na supply sa panahon ng kalamidad.| ulat ni Diane Lear