Operasyon ng ‘foreign adversary-controlled’ apps gaya ng Tiktok, nais nang ipagbawal ng isang mambabatas

Inihain ngayon ni Manila Representative Benny Abante ang isang panukala para i-ban at tuluyan nang ipagbawal sa bansa ang Tiktok at iba pang foreign adversary-controlled applications. Sa ilalim ng House Bill 10489 ng mambabatas, tutukuyin ng Presidente ng bansa ang ituturing na “foreign adversaries” ng Pilipinas, na may posibleng banta sa Pambansang seguridad at territorial… Continue reading Operasyon ng ‘foreign adversary-controlled’ apps gaya ng Tiktok, nais nang ipagbawal ng isang mambabatas

Lebel ng tubig sa Angat Dam, natapyasan pa

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng .41 meters ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 179.27 meters. Mas mababa pa rin sa 180 meters na minimum operating level ng dam. Bukod sa Angat Dam,… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, natapyasan pa

Presyo ng repolyo sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyuhan ng repolyo sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱60 hanggang ₱70 ang kada kilo ng repolyo na mabibili rito. Ayon sa mga nagtitinda ng gulay, mura na ito kahit pa humahango sila ng mga agri-product sa ibang pamilihan gaya ng Divisoria sa Maynila.… Continue reading Presyo ng repolyo sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nananatiling matatag

Malaking puno mula sa DepEd Compound sa Pasig City, bumagsak

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Henry Javier Street sa Pasig City matapos na humambalang ang malaking punong nabuwal buhat sa compound ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City. Nabatid na nabuwal ang puno ng “eucalyptus” kaninang alas-4 ng umaga na tinatayang nasa 15 metro ang haba. Dahil dito, puspusan… Continue reading Malaking puno mula sa DepEd Compound sa Pasig City, bumagsak

Coast Guard, wala pang na-monitor na kanseladong byahe ng mga barko sa mga lugar na may Tropical Depression Wind Signal

Hindi pa nagkakansela ang Philippine Coast Guard (PCG) ng byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na may nakataas na Tropical Depression Wind Signal.  Ayon sa Public Information Office ng PCG, hindi pa kinakansela ang mga byahe lalo pa at kaninang umaga lamang naibaba ang wind signal.  Pero hanggang mamayang tanghali ay posibleng magbago… Continue reading Coast Guard, wala pang na-monitor na kanseladong byahe ng mga barko sa mga lugar na may Tropical Depression Wind Signal

Higit ₱442-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng El Niño

Aabot na sa higit ₱442-milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng El Niño Phenomenon. Kabilang sa naipamahaging tulong ng ahensya ang mga food pack pati na ang cash for work, at training. Sa kasalukuyan, umakyat pa sa 1.2 milyong pamilya o katumbas ng… Continue reading Higit ₱442-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng El Niño

Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Aghon

Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa bansa na posibleng tamaan ng bagyong Aghon. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hangin hanggang 55 kilometers per hour at moderate to heavy rainfall ang… Continue reading Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Aghon

Mga advocate sa legalisasyon ng medical cannabis, umaasang aaprubahan ito ng Kongreso bago ang SONA ni PBBM

Nananawagan na sa Kongreso ang mga advocates ng medical cannabis na aprubahan na ang panukalang batas tungkol sa legalidad ng paggamit ng marijuana bilang sangkap sa paggawa ng gamot. Kasunod ito ng pagkakapanalo ng Gold Cup at Gold Medal sa bansang Poland ng gamot na CanCur na ginawa ng Pinoy Scientist na si Dr. Richard… Continue reading Mga advocate sa legalisasyon ng medical cannabis, umaasang aaprubahan ito ng Kongreso bago ang SONA ni PBBM

DavNor Rep. Pantaleon Alvarez, tanggap ang ipinataw na parusa sa kaniya

Tanggap ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang ipinataw na parusa sa kaniya ng Kamara kasunod ng reklamong inihain sa kaniya sa Ethics Committee. Nasa 186 na mambabatas ang bumoto pabor sa pagpapataw ng censure kay Alvarez dahil sa disorderly behavior na nag-ugat sa mga binitiwan nitong pahayag sa isang rally sa Tagum, partikular… Continue reading DavNor Rep. Pantaleon Alvarez, tanggap ang ipinataw na parusa sa kaniya

Ulang dala ng bagyong Aghon, di sapat para madagdagan ang water elevation ng Angat Dam — PAGASA

Kahit na inaasahan ang mga pag-ulan dala ng bagyong Aghon ay hindi pa rin ito nakikitang sapat para mapataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. As of May 23, sumadsad na sa 179.68 meters ang antas ng tubig sa dam na mas mababa sa 180-meter minimum… Continue reading Ulang dala ng bagyong Aghon, di sapat para madagdagan ang water elevation ng Angat Dam — PAGASA