21,000 ektarya ng pananim sa tatlong rehiyon sa bansa, nasira dahil sa bagyong Aghon – DA

Tinatayang nasa 21,000 ektarya ng pananim sa Calabarzon, Bicol, at Eastern Visayas ang napinsala ng bagyong Aghon. Karamihan sa mga ito ay palayan. Sa panayam kay Agriculture Assistant Secretary for field operations U-Nichols Manalo, sinabi niyang patuloy pa ang validation ng mga field office ng Department Agriculture (DA) kaya inaasahang tataas pa ang bilang ng… Continue reading 21,000 ektarya ng pananim sa tatlong rehiyon sa bansa, nasira dahil sa bagyong Aghon – DA

DA, umapela sa Japan Envoy para sa pagpapalakas ng pag-export ng Philippine agri products sa Japan

Humingi ng tulong si Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. kay Japanese Ambassador Endo Kazuya, para mapalakas ang pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas sa Japan. Kabilang sa mga kahilingan ni Secretary Laurel ang pagbabawas ng taripa sa saging, pagbubukas ng merkado para sa avocado, pagpapalakas ng export ng mangga, at ang posibilidad… Continue reading DA, umapela sa Japan Envoy para sa pagpapalakas ng pag-export ng Philippine agri products sa Japan

Makati solon, muling nanawagan para mapatawan ng parusa ang mga telco na bigong makapagbigay ng mabilis na internet

Muling ipinanawagan ni Makati Representative Luis Campos na mapagtibay na ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa telecommunications company o telcos, na bigong makamit ang mas mabilis na internet target. Tinukoy ng mambabatas ang resulta ng Speed test Global Index ng Ookla nitong Abril, kung saan mayroon lamang 32.37 MBPS o bilis ng data… Continue reading Makati solon, muling nanawagan para mapatawan ng parusa ang mga telco na bigong makapagbigay ng mabilis na internet

SP Chiz Escudero, iminumungkahi sa gobyerno na itigil na ang pag-anunsiyo ng dami ng iaangkat na bigas ng bansa

Hinimok ni Senate President Chiz Escudero ang gobyerno na itigil na ang pag-aanunsyo ng dami ng bigas na aangkatin ng bansa. Paliwanag ni Escudero, isa kasi ito sa mga dahilan kung bakit tumataas lalo ang presyo ng bigas sa mga pamilihan. Nagiging hudyat kasi aniya ito para sa traders at retailers para taasan ang presyo… Continue reading SP Chiz Escudero, iminumungkahi sa gobyerno na itigil na ang pag-anunsiyo ng dami ng iaangkat na bigas ng bansa

Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

Pinalawig pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert at Yellow Alert status sa Luzon grid ngayong araw. Batay sa abiso, pinalawig pa ang Red Alert status simula 1 PM hanggang 5 PM. Habang ang Yellow Alert status naman ay extended simula 12NN hanggang 1PM, at muling ipatutupad simula 5PM hanggang… Continue reading Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

Pamahalaan, siniguro ang kakayahan na tugunan ang FLiRT variant ng COVID-19 sakaling makapasok ito sa Pilipinas

Hindi dapat ikabahala ng publiko ang inilabas na memorandum ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagpapaigting ng ginagawa nitong quarantine o pagbabantay sa ports of entry ng Pilipinas. “Totoo po iyong mayroon kaming inilabas sa Bureau of Quarantine na memorandum na nagpapaigting ng pagbabantay ng ating kwarantina sa ports of entry.” —Domingo Pahayag ito… Continue reading Pamahalaan, siniguro ang kakayahan na tugunan ang FLiRT variant ng COVID-19 sakaling makapasok ito sa Pilipinas

Code White Alert, nakataas sa mga ospital sa mga lugar na pinakaapektado ng Bagyong Aghon

Siniguro ng Department of Health (DOH) na handing-handa ang mga ospital sa mga lugar na pinaka-apektado ng bagyong Aghon. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na nakataas na sa Code White Alert ang mga ospital sa mga lugar na apektado ng bagyo, simula pa noong ika-24 ng Mayo. Wala dapat… Continue reading Code White Alert, nakataas sa mga ospital sa mga lugar na pinakaapektado ng Bagyong Aghon

MERALCO, handang magpatupad ng rotational brownout kung kailangan matapos ilagay sa Red at Yellow alert ang Luzon grid ngayong araw

Muling nanawagan ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga commercial at industrial customer sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) na magbawas ng konsumo ng kuryente. Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid. Sa isang pahayag, sinabi ng MERALCO na… Continue reading MERALCO, handang magpatupad ng rotational brownout kung kailangan matapos ilagay sa Red at Yellow alert ang Luzon grid ngayong araw

Sen. Sherwin Gatchalian, hinimok ang IACAT na sugpuin ang online na bentahan ng mga sanggol

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na sugpuin ang nagiging talamak na bentahan ng mga sanggol sa Facebook. Una nang iniulat ni Department of Social Welfare and Development-National Authority on Child Care (DSWD-NACC) Executive Director at DSWD Undersecretary Janella Estrada, na may 20 hanggang 40 Facebook accounts silang mino-monitor na… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, hinimok ang IACAT na sugpuin ang online na bentahan ng mga sanggol

Pagpapaabot ng tulong ng national government sa mga apektado ng Bagyong Aghon, nagpapatuloy

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa sitwasyon at pangangailangan ng mga residenteng apektado ng Bagyong Aghon. “Nakapag-preposition na ng family food packs at non-food items in strategic location across the country.” —Dumlao. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao na umakyat na sa higit… Continue reading Pagpapaabot ng tulong ng national government sa mga apektado ng Bagyong Aghon, nagpapatuloy