PBBM, makakaasa ng suporta mula sa Kamara, matapos ibida ang Pilipinas bilang prime investment destination

Susuporta ang Kamara sa mga inisyatiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong ibida sa harap ng mga negosyante ng Brunei ang pagiging prime investment destination ng Pilipinas. Kasunod ito ng ginawang Philippine Business Forum Miyerkules ng umaga sa Brunei na magkasamang dinaluhan ng Presidente at ni Speaker Martin Romualdez. Sabi ng lider ng… Continue reading PBBM, makakaasa ng suporta mula sa Kamara, matapos ibida ang Pilipinas bilang prime investment destination

Pilipinas, maituturing bilang isang mahalagang international player pagdating sa geopolitics

Matagal nang itinuturing ang Pilipinas bilang mahalagang international o regional player pagdating sa usapin ng geopolitcs. Pahayag ito ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig sa harap ng gagawing pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Institute for Strategic Dialoue (IISS) sa Singapore sa Biyernes (May 31). Ayon sa ambahador, hindi naman basta… Continue reading Pilipinas, maituturing bilang isang mahalagang international player pagdating sa geopolitics

Kaso ng COVID Flirt variant sa bansa, hindi pa dapat ikaalarma ayon sa DOH

Sinabi ngayon ni Health Asec. Albert Domingo na hindi dapat maalarma dahil nananatiling mababa ang occupancy rate ng mga ospital pagdating sa COVID-19 cases. Ito ay sa kabila ng banta ng panibagong variant na KP2 at KP3 o Flirt variant ng COVID. Sa pagharap ng ahensya sa ipinatawag na briefing ng House Committee on Appropriations,… Continue reading Kaso ng COVID Flirt variant sa bansa, hindi pa dapat ikaalarma ayon sa DOH

Pagkaapruba sa apat na bagong motorcycle taxi companies, makakatulong sa mga komyuter – Sen. Poe

Welcome para kay Senadora Grace Poe ang pagpasok ng mga bagong kumpanya sa motorcycle taxi industry. Binigyang diin ni Poe na makikinabang ang mga komyuter sa pagkakaroon ng healthy competition sa naturang industriya. Kasabay nito, pinunto ng senadora na ngayong tapos na ang pag-aaral ng technical working group (TWG), malinaw aniyang epektibo ang mga motorcycle… Continue reading Pagkaapruba sa apat na bagong motorcycle taxi companies, makakatulong sa mga komyuter – Sen. Poe

Office of the Solicitor General, patuloy na nangangalap ng ebidensya laban kay Bamban Mayor Alice Guo

Ibinahagi ni Solicitor General Menardo Guevarra na nangangalap na ng mga ebidensya ang Office of Solicitor General (OSG) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa isang panayam sa Senado, sinabi ni Guevarra na isang quo warranto petition ang pinag-aaralan nila maliban pa sa ibang mga legal na hakbang. Sa ngayon aniya ay pinagsasama sama… Continue reading Office of the Solicitor General, patuloy na nangangalap ng ebidensya laban kay Bamban Mayor Alice Guo

Sen. Gatchalian, suportado ang pagiging digital ng class cards

Sang-ayon si Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian sa mungkahi na gawing digital na ang class cards. Katunayan ayon sa senador ay naghain siya ng panukala para mapabilis ang digital transformation sa DepEd (Department of Education). Isa na aniya dito ang Digital Transformation of Basic Education Bill (Senate Bill 383) na layong… Continue reading Sen. Gatchalian, suportado ang pagiging digital ng class cards

13 tripulanteng Pilipino, ligtas matapos ang nangyaring missile attack ng Houthi Rebels sa Yemen, ayon sa DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng labintatlong (13) Pilipinong tripulante na sakay ng bulk carrier na inatake ng mga Houthi rebel sa Yemen kahapon. Ayon sa DMW, nagtamo ng pinsala ang barko matapos ang apat na missile attack ng mga Houthi rebel. Sa kabila nito ay ligtas ang 13… Continue reading 13 tripulanteng Pilipino, ligtas matapos ang nangyaring missile attack ng Houthi Rebels sa Yemen, ayon sa DMW

La Niña phenomenon, inaasahang papasok simula sa Hulyo – PAGASA  

Inaasahang papasok sa bansa ang La Niña phenomenon sa ikatlong bahagi ng taon o simula Hulyo. Ayon kay PAGASA Weather Specialist Joey Figuracion, bagama’t ramdam pa rin ang epekto ng El Niño dahil sa mainit na panahon kailangan nang paghandaan ang pagdating ng La Niña sa panahon ng tag-ulan. Ang La Niña phenomenon ay nagdadala… Continue reading La Niña phenomenon, inaasahang papasok simula sa Hulyo – PAGASA  

May-ari ng itim na Mercedez Benz na sangkot sa insidente ng road rage sa EDSA-Ayala sa Makati, pinatatawag ng LTO

Ipinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng itim na Mercedes Benz na sangkot sa pamamaril sa isang 65 taong gulang na motorista sa EDSA-Ayala sa Makati City, kahapon. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ang ahensya ng show cause order (SCO) upang paharapin sa tanggapan ng… Continue reading May-ari ng itim na Mercedez Benz na sangkot sa insidente ng road rage sa EDSA-Ayala sa Makati, pinatatawag ng LTO

DOT, ipupursige ang pagkakaroon ng direct flights mula Brunei patungo sa iba’t ibang tourist destination ng bansa

Target ng pamahalaan na magkaroon ng direct flights mula Brunei patungo sa iba’t ibang tourist destination ng Pilipinas. Sa ambush interview kay Tourism Secretary Maria Christina Frasco sa Brunei, inihayag nitong sisikapin nilang magkaroon ng flight diretso na ng Cebu at Clark gayung sa ganitong paraan ay mas marami pang maaaring mahikayat na mga turista… Continue reading DOT, ipupursige ang pagkakaroon ng direct flights mula Brunei patungo sa iba’t ibang tourist destination ng bansa