3 lalawigan sa Mindanao, magkakasunod na pupuntahan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pamahalaan sa paghahatid seribisyo at programa sa publiko.

Ito’y matapos makarating sa 18 probinsya ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng Marcos Jr. administration.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa buwan ng Mayo at Hunyo ay tatlo pang lalawigan sa Mindanao ang pupuntahan mg BPSF.

Ito ang Zamboanga City sa May 10-11, Tawi-Tawi sa May 25-26, at Davao del Norte sa June 7-8.

Inaasahan na maliban sa government services ay ilulunsad din ang iba pang inisyatibang programa ng Kamara gaya ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program; Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth; Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL); at Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM).

Sa paraan aniyang ito ay natitiyak ng pamahalaan na nagaganit ng tama ang pondo ng DSWD at DOLE para sa AICS, TUPAD at maging 4PS.

Giit niya na sa ilalim ng direksyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay patuloy ang pag-abot ng gobyerno sa mga Pilipinong dumadaing sa hirap ng panahon.

“Alam ito ng ating mahal na Pangulo, kaya ang marching order niya sa buong pamahalaan ay gawin ang lahat para maramdaman ng mga tao ang tulong mula sa gobyerno… Naniniwala ang administrasyong Marcos na wala dapat naiiwanan, kasama ang lahat sa ayuda. Kaya patuloy tayong magsisikap na gumawa ng programa para lahat ng sektor, makikinabang sa tulong mula sa pamahalaan,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us