Pumalo sa 30 sasakyan ang nasita ng mga tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway.
Ito’y sa operasyon na ikinasa ng SAICT sa bahagi ng EDSA-Ortigas area kaninang umaga.
Nasa 29 sa mga ito ay pawang mga motorcycle rider na nagmamadali, at isa ang government ambulance na walang sakay na pasyente.
Ang mga ito ay mahaharap sa P5,000 multa para sa kanilang unang paglabag. | ulat ni Diane Lear