Kadiwa ng Pangulo, 2 araw na mag-aalok ng murang bilihin sa Caloocan City

Muling dadayo ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Caloocan para mag-alok ng mas murang agri-fishery products sa mga mamimili. Sa abiso ng Department of Agriculture (DA), simula ngayong araw ay magbubukas muli ang Kadiwa ng Pangulo sa C-Cube Caloocan City Hall mula 6:00 am hanggang 6:00 pm. Magkakaroon naman ng dalawang venue para sa… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, 2 araw na mag-aalok ng murang bilihin sa Caloocan City

Lebel ng tubig sa Angat Dam, nababawasan na muli

Patuloy na namang natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 21 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya nasa lebel na ito na 179.70 meters. Mula ito sa 179.91 meters na naitala noong nakaraang araw. Nananatiling mas mababa pa… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, nababawasan na muli

Bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon, umakyat na sa 6 — NDRRMC

Kinumpirma ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon. Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng NDRRMC ngayong umaga, nagmula sa CALABARZON ang limang nadagdag na bilang ng mga kumpirmadong nasawi habang ang naunang isa ay mula… Continue reading Bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon, umakyat na sa 6 — NDRRMC

2 sasakyan, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Guadalupe

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Auhority (MMDA) para alisin ang mga sasakyang sangkot sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa EDSA-Guadalupe kaninang umaga. Una rito ang pagsampa ng isang kotse sa center island ng EDSA- Guadalupe kaninang pasado alas-4 ng umaga. Ayon sa driver ng kotse, napalakas ang kaniyang pagkabig dahil may… Continue reading 2 sasakyan, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Guadalupe

Halos 5,000 family food packs, naipaabot ng DSWD sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong Aghon

Patuloy pa ring namamahagi ng Family Food Packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng bagyong Aghon. Ayon sa DSWD, as of May 29, aabot na sa 4,950 family food packs na nagkakahalaga ng ₱3.4-million ang nailaan nito sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.… Continue reading Halos 5,000 family food packs, naipaabot ng DSWD sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong Aghon

Nasa 1,400 pamilya, nananatili pa sa evacuation centers bunsod ng epekto ng bagyong Aghon

Nabawasan na ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Aghon. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon na lang higit sa 1,400 pamilya o katumbas ng higit 5,696 indibidwal ang nananatili sa higit 98 evacuation centers. Kaugnay nito, umakyat na rin sa limang kabahayan ang… Continue reading Nasa 1,400 pamilya, nananatili pa sa evacuation centers bunsod ng epekto ng bagyong Aghon

Presyo ng galunggong sa Commonwealth Market, tumaas

Matumal ngayon ang bentahan ng isdang galunggong sa Commonwealth Market. Tumaas kasi ₱20 ang kada kilo ng presyo ng galunggong. Depende sa laki ang bentahan, pinakamura ang ₱120 kada kilo, habang aabot naman sa ₱200 ang presyo kada kilo ng malaking GG. Ayon sa ilang nagtitinda, nakaapekto sa presyo ng isda ang mga pag-ulang dulot… Continue reading Presyo ng galunggong sa Commonwealth Market, tumaas

₱15.5B advance payment ng PhilHealth sa mga ospital, papaimbestigahan

Nais paimbestigahan ng Kamara ang ₱15.5-bilyong advance payment na ibinigay ng PhilHealth sa mga ospital sa ilalim ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) program. Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Miyerkules, sinilip ng mga kongresista ang legalidad ng ipinatupad na IRM program noong nakaraang administrasyon. Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas… Continue reading ₱15.5B advance payment ng PhilHealth sa mga ospital, papaimbestigahan

DOH, tiniyak ang sapat na pondo para tugunan ang mga bagong variant ng COVID-19

Siniguro ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa mga mambabatas na may sapat na pondo ang ahensya para tugunan ang mga bagong variant ng COVID-19 gayundin ay makabili ng updated na bakuna. Sa naging oversight hearing ng House Committee on Appropriations, nausisa ni Marikina Representative Stella Quimbo, vice-chair ng komite, kung totoo ang… Continue reading DOH, tiniyak ang sapat na pondo para tugunan ang mga bagong variant ng COVID-19

OCD, may paalala sa publiko ngayong opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan

Muling pinaalalahanan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang publiko na maghanda at mag-ingat sa anumang paparating na kalamidad sa bansa. Ito’y makaraang opisyal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan kasunod ng mga naranasang pag-ulan sa malaking panig ng bansa. Ayon sa OCD, ugaliing umantabay sa mga ilalabas na ulat hinggil sa… Continue reading OCD, may paalala sa publiko ngayong opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan