34 pulis sa Davao City, sibak dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga drug suspek

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaabot sa 34 pulis ng Davao City Police Office (DCPO) ang sinibak sa kanilang puwesto, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sunod-sunod na pagkamatay ng pitong drug suspek sa nasabing lungsod.

Sa inilabas na special order nitong May 24, 2024 ni Police Regional Office (PRO) 11 Director Police Brig. Gen. Aligre Martinez, sinibak ang pitong station commander, apat na deputy commander, gayundin ang 23 Non-Commissioned officers (NCO).

Nauna nang sinibak ni Martinez, base na rin sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS), si DCPO Chief Police Col. Richard Bad-ang nitong Huwebes, May 23, habang gumugulong ang imbestigasyon.

Matatandaang sa pag-upo bilang bagong hepe ng DCPO ni Bad-ang noong Marso, ipinag-utos ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang all out war kontra iligal na droga.

Sa ngayon sina Bad-ang at lahat ng sinibak sa puwesto ay kasalukuyang itinalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Section (RPHAS) sa PRO 11 headquarters habang patuloy na iniimbestigahan ng RIAS.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us