40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng Heat Index

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming lugar pa rin sa bansa ang inaasahang makararanas na mataas na temperatura gayundin ang Heat Index o damang init sa katawan ngayong araw.

Batay sa Heat Index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 46°C ang Heat Index sa Dagupan City, Pangasinan; Pili, Camarines Sur, at Butuan, Agusan del Norte ngayong Huwebes.

Ito ang maaaring maging pinakamataas na Heat Index na maitala sa araw na ito na pasok sa Danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

Dito sa Metro Manila, nasa 41°C ang posibleng maitalang Heat Index sa Quezon City habang 42°C naman sa Pasay City.

Una nang sinabi ng PAGASA na bagamat humihina na ang El Niño Phenomenon ay posibleng umiral pa rin ang epekto nito kabilang ang mainit at maalinsangang panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us