Tiniyak ng 4th Infantry Division (4ID) sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang buong suporta sa mga adhikain at programa ng administrasyon tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Ito’y sa pamamagitan ng isang Manifesto of Commitment na nagtatanghal ng lahat ng logo ng iba’t ibang unit ng 4ID na iprinisinta ni 4ID Commander Major General Jose Maria Cuerpo II sa Pangulo, sa pagbisita ng Commander in Chief sa Camp Edilberto T. Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City kahapon.
Sa pakikipag-usap ng Pangulo sa mga tropa, pinuri niya ang “achievments” ng 4ID sa pagnutralisa ng mga mataas na lider ng mga teroristang komunista sa Northern Mindanao at CARAGA Region; at nagpasalamat sa mga sundalo sa kanilang serbisyo at sakripisyo sa pagtatagumpay ng kanilang misyon.
Tiniyak din ng Pangulo ang patuloy na suporta ng administrasyon hindi lang sa mga tropa kundi maging sa kanilang mga pamilya. | ulat ni Leo Sarne
📸: 4ID