5 pang matataas na opisyal ng PNP, napabilang sa serye ng rigodon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lima pang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang napabilang sa panibagong serye ng rigodon sa kanilang hanay nitong weekend.

Kabilang sa mga nailipat ay sina Police Brig. Gen. Eleazar Mata na itinalaga bilang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kapalit ni Police Brig. Gen. Dionisio Bartolome bilang bagong pinuno ng Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU).

Mula sa Directorate for Police Community Relations (DPCR), inilipat si Police Maj. Gen. Edgar Alan Okubo bilang pinuno ng Civil Security Group (CSG).

Mula naman sa PNP Maritime Group (MG) ay inilipat si Police Brig. Gen. Romaldo Bayting bilang bagong Area Police Commander sa Western Mindanao at papalitan naman siya ni Police Brig. Gen. Jonathan Cabal mula sa PNP Academy.

Ito na ang ikatlong sunod na serye ng balasahan sa matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya buhat noong isang linggo.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us