5,000 residente ng Tawi-Tawi, naka benepisyo sa cash at rice assistance program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Limang libong benepisyaryo ng cash assistance and rice distribution program (CARD) ang nabahagian ng tulong pinansyal at bigas sa Tawi-Tawi.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pagpapa-abot ng tulong kasabay ng paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa probinsya.

Sinabi ni Romualdez na binansagan bilang “Mr. Rice” dahil sa itinulak na programa, naisip nilang ipatupad ang CARD program dahil batid ng pamahalaan kung gaano kahalaga ang bigas.

“Ang bigas po ay buhay, kaya naman naisip nating ipatupad ang CARD Program para magbigay ng bigas at konting tulong pinansyal sa ating mga mamamayan. Lalo na ngayong mataas ang presyo ng bigas at iba pang bilihin, layon ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino,” sabi ni Speaker Romualdez.

Pawang mula sa vulnerable sector ang mga nakatanggap ng ₱3,000 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng AICS ng DSWD at mayroon din silang libreng pitong kilo ng bigas.

Sinabi pa ni Romualdez na ngayong nananatili sa State of Calamity ang BARMM, mahalagang maibaba sa mga residente ang serbisyo at tulong ng pamahalaan.

Nitong Huwebes, maliban sa mga serbisyo at programang inilusad sa BPSF ay personal ding nagpaabot ng cash assistance si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka, mangingisda at pamilyang apektado ng El Nino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us