May 51 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Caraga Region ang nagbalik-loob sa pamahalaan.
Kasamang isinuko ng mga dating rebelde ang kanilang baril at iba pang war materials sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Tandag City, Surigao del Sur.
Bilang kapalit, pinagkalooban naman sila ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagsuko ng mga dating rebelde ay epekto ng pagsisikap ng militar at lokal na pamahalaan sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan.
Hinihikayat pa ang iba pang natitirang rebelde at mga suporter na magbalik-loob na rin sa pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer