Mayorya ng mga lalawigan sa bansa ang nakaranas ng ‘drought’ o matinding tagtuyot, hanggang nitong May 19, ayon yan sa PAGASA.
Sa monitoring ng PAGASA, mula sa 23 lalawigan noong Abril ay umakyat sa 29 na lalawigan sa Luzon ang tinamaan ng ‘drought’.
Tig-16 na lalawigin ang nakaranas ng matinding tagtuyot sa Visayas at Mindanao.
Samantala, mayroon ding 11 lugar sa Mindanao ang nakaranas ng dry spell kasama ang anim na probinsya sa Luzon kabilang ang Albay, Bataan, Pangasinan, Sorsogon, Tarlac, at Zambales.
Nasa dry condition naman ang Aurora, Pampanga, at Quirino.
Una nang sinabi ng PAGASA na mananatili pa rin ang epekto ng El Niño sa bansa kahit pa humihina na ito at tumataas na ang tyansa ng La Niña. | ulat ni Merry Ann Bastasa