7 arestado, habang humigit-kumulang ₱21-M halaga ng mga puslit na sigarilyo, nakumpiska ng Philippine Navy sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang pitong indibidwal habang nakumpiska naman ang nasa 422 master cases ng mga puslit na sigarilyo matapos maharang ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isang motorbanca sa karagatang sakop ng Balut Island sa Davao Occidental.

Batay sa ulat ng Philippine Navy, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang BRP Dioscoro Papa sakay ng Naval Task Force 71 nang maharang ang Jungkong type na motorbanca sa nabanggit na karagatan dahil sa kahina-hinala nitong aktibidad.

Nang sitahin ang mga sakay ng naturang bangka, tumambad sa kanila ang kahong-kahong mga puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang ₱21-milyong piso.

Nabatid na dadalhin sana sa Digos City sa Davao del Sur ang mga naturang kontrabando subalit dahil sa walang maipakitang sapat na dokumento ay kinumpiska ang motorbanca habang inaresto naman ang mga sakay nito.

Hawak na ngayon ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang mga nasabat na kontrabando at dinala na sa General Santos City Sub-Port habang kinasuhan na ang mga sakay ng naharang  na motorbanca.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us