Naghain si Quezon City Rep. PM Vargas ng panukalang batas na magbibigay halaga sa kapakanan ng Filipino nurses.
Sa ilalim ng HB 5806 o Nurses Appreciation through Raised Salaries (NARS) Act at Care for Nurses Welfare Act (HB 1978) tinalakay ang mga isyu na nakakaapekto sa nurses sa bansa na siyang nag-uudyok sa kanila na magtrabaho abroad.
Kabilang din dito ang mababang pasweldo, nurse to patient ratio kaya nagkakaroon ng burnout at mental health struggles.
Ayon kay Vargas, kung napro-protektahan ang ating mga nurses sa bansa ay mas mahihikayat silang magtrabaho na lang sa bansa kaysa mangibang bayan.
Ginawa ni Vargas ang paghahain ng House bill kasabay ng annual observance ng International Nurses Day tuwing May 12. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes