NEDA at BPDA, magtutulungan upang palakasin ang mga programa at proyekto sa BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa isang mahalagang kasunduan ang National Economic and Development Authority (NEDA) at ang Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA).

Layon ng kasunduang ito na palakasin ang kakayahan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagsusuri ng kanilang mga programa at proyekto.

Photo courtesy of National Economic Development Authority

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang NEDA ng teknikal na pagsasanay sa mga tauhan ng BPDA upang mas maunawaan nila ang mga prinsipyo, teorya, disenyo, at pamamaraan ng impact evaluation.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang kasunduang ito ay magbubukas ng daan para sa pagtutulungan at pagbabahaginan ng kaalaman upang mas mapalakas ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Balisacan, ang mga natutunan sa pagsasanay ay makakatulong upang masiguro na ang mga programa at proyekto ng BARMM ay tunay na nakakatulong sa pag-unlad ng rehiyon.

Samantala, ipinahayag ni BPDA Director General Mohajirin Ali ang kahalagahan ng kasunduan sa paggawa ng mga desisyon base sa mga ebidensya at datos.

Ayon kay Ali, ang capacity development program na ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan, kundi pati na rin sa pagtutulungan upang makabuo ng mga solusyon.

Ang kasunduan ay inaasahang magtatagal ng 15 buwan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us