Umabot sa ₱22.6 milyon ang naipamahagi sa buong Central Visayas region para sa ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program payout.
Nasa 7,548 na ang nakatanggap ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 7.
Kabilang sa mga isinagawang AKAP payout sites sa Cebu ang Cebu City North, Cebu City South, Talisay City, Argao, Barili, Bogo City, Compostela, Cordova, Badian, Lapu-Lapu City, at Mandaue City kung saan umabot sa ₱16,617,000 ang naipamigay.
Sa Bohol, nasa ₱2,634,000 ang naipamigay sa Balilihan, Talibon, at Garcia Hernandez.
Sa Negros Oriental naman, sa La Libertad ug Dumaguete City isinagawa ang payout kung saan umabot sa ₱2,241,000 ang naipamigay, habang sa bayan ng Siquijor sa lalawigan ng Siquijor ipinamigay ang nasa ₱1,152,000.
Sa ilalim ng AKAP, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱3,000 bawat isa bilang tulong mula sa gobyerno sa mga lubos na nangangailangang Pilipino sa buong bansa. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu