Kasabay ng adjusted work hours sa mga lokal na pamahalaan na sakop ng Metro Manila Council (MMC).
Magpapatupad na rin ng bagong oras ng transaksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga tanggapan simula bukas, May 2.
Kung saan gagawin na itong alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Kabilang dito ang tanggapan ng MMDA Head Office sa Julia Vargas Avenue sa Pasig City.
Samantala, pansamantala namang magtatalaga ng ilang kawani ang MMDA hanggang alas-5 ng hapon
Ito ay para tapusin ang mga transaksyon ng publiko para sa tuloy-tuloy na paglilingkod at serbisyo publiko. | ulat ni Diane Lear