Kabuuang 825 pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa Bicol Region dahil sa bagyong Aghon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol may kabuuang 825 na pasahero, 198 na rolling cargo, at 6 vessel ang na-stranded dahil sa bagyo.
Kabilang dito ang 96 pasahero sa Port of Tabaco, 219 pasahero sa Port of Pioduran sa Albay, 20 pasahero sa Mobo Port at 30 pasahero sa Port of Placer sa Masbate, 350 pasahero sa Matnog Port at 56 pasahero sa Pilar Port at 98 sa Bulan Port of Sorsogon.
Sinuspinde na rin ng PCG ang paglalayag ng mga barko sa rehiyon makaraang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang storm warning signal number one sa anim na probinsya sa Bicol Region. | ulat ni Garry Carillo | RP1 Albay