Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagsasaayos ng cash grants na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) upang makabuo ng mabisang plano sa pag-adjust ng 4Ps grants.
Ayon sa DSWD, mahalaga ang datos mula sa NEDA at PSA sa pagtukoy ng angkop na tulong para sa mga nangangailangan.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DSWD, NEDA at PSA na pag-aralan ang kasalukuyang cash assistance para sa mga mahihirap at 4Ps beneficiaries.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na tumutugon ang mga ayuda sa kasalukuyang socio-economic na kondisyon ng bansa. | ulat ni Diane Lear