Nagpahayag ng suporta si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga prayoridad ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Sinamahan ni Gen. Brawner ang Pangulo sa pagbisita sa Tawi-Tawi kahapon, kung saan tiniyak ng Pangulo ang pagbibigay ng prayoridad ng kanyang administrasyon sa “inclusive governance” at “sustainable development” para sa lalawigan.
Nakilahok din si Gen. Brawner at iba pang mga opisyal sa pakikipag-dayalogo ng Pangulo sa mga lokal na pinuno at representante ng mga komunidad, para tumuklas ng mga solusyon sa mga mahahalagang isyu.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Xerxes Trinidad, ang pagbista ng Commander-in-Chief sa lalawigan ay simbolo ng suporta ng militar sa pagtataguyod ng kapayapaan, nation building, socio-economic progress, at pagsulong ng kapakanan ng mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Ambay/PAOAFP