Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na pinaghahanda na ang mga reserve force upang may dagdag na pwersa sakaling kailanganin ito anumang oras.
Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ni Col. Francel Padilla, tagapagsalita ng AFP, nasa 1.4 million ang kabuuang reserve force ng AFP.
Sa bilang na ito, mayroong mga miyembro ang nasa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Marines at Philippine Army.
Paglilinaw ni Padilla, ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police ay hindi kabilang sa AFP.
Ayon naman kay Retired Major General Peale Jon Bindoc, dating Commanding General ng Army Reserve Command o ARESCOM, nakalatag ang mga reserve forces ng bansa kung saan ide-deploy ang mga ito sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pananakop sa Pilipinas.
Sa ngayon, mayroong 90,000 na weekend warriors ang ARESCOM na nagsasagawa ng lingguhang formation at mga community mission. | ulat ni Mike Rogas