Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang patuloy na pagdedeklara ng Red at Yellow Alert status sa power grid ay nagpapakahulugan nang kailangan na ng bansa na taasan ang kapasidad sa pagsusuplay ng kuryente para matugunan ang tumataas na economic targets.
Kinalampag rin ni Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at ang Energy Regulatory Commission (ERC) para ipakita ang determinasyon nitong maparusahan ang mga power plants na hindi nakakasunod sa reliability index o sa kakayahang magbigay ng kuryente sa mga konsumer.
Giit ng senador, dapat na imbestigahan ng dalawang ahensya ang mga unplanned at force outages na nagaganap.
Kasabay nito ay dapat rin aniyang agresibong kumikilos ang buong power industry para agad na maibalik ang operasyon ng mga power generating plants.
Gaya ng pagsasagawa na ng cloud seeding para maibalik ang operasyon ng mga hydroelectric power plants.
Dinagdag rin ni Gatchalian na kailangan ring magtukungan ng mga industry stakeholders para mapataas ang ancillary services, mapagaan ang epekto sa singil sa mga konsumer at mapabilis ang pagdadagdag ng mga bagong planta. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion